Sunday, September 19, 2010

♥ This Is Life! :) ♥

I am very happy and contented with my life right now. :) I have lots of things to be thankful for! Being alive and being with the people who genuinely appreciates me, like me and love me unconditionally!
psych dudes: JING (tifs), AUDREY (bakla), ADEL (kuya adol), KUYA EDWARD

Sila ang aking psych dudes. :) 4th year na sila and sila dapat ang kabatch ko kaya lang nagstop ako ng isang sem kaya nalate na ko. Sila ang takbuhan ko kapag may kailangan ako lalo na kapag sa major subjects. Nakakasama ko pa din sila minsan sa galaan at tambay kahit di ko na sila classmates. :)
my psychomen: VHIANE, KJOY, MAE, IZZA, JEN, GIAN, MAY, MEL, NAT, KC, YUKI, JM, KUYA RAFFY, KUYA ALAIN, SR.PRAO, MOMMY BERNA



Sila naman ang psychomen. :) Sila ang kabatch ko ngayon. Happy ko kasi madali ko naman silang nakasundo lahat. Madami na din akong alam bawat isa sa kanila at thankful ako kasi they trust me. Madali silang lahat pakisamahan lahat and everytime na makakasama ko sila, mas madami akong nadidiscover at mas tumitibay talaga yung samahan namin. :)



my tot's: VINE, TRISHA, ELOI, FIFI, RHEA



Sila ang TOTS (Talk Of the Town). :) Dati JEAMETS (Jezza,Eloi,Angeline,May,Eura,Trisha,Sherry) ang name ng group namin. Sila ang mga kabatch ko nung 1st year highschool kami. Magkakaiba man ang course, may psych, may management, may educ, may nursing, nagclick talaga mga personalities namin. Napalitan lang ang name ng group at naging TOTS ng mawala si Angeline at madagdag si Abi at si Vine. Nitong taon lang, nadagdag na din sa group si Fifi at Rhea. Busy man ang schedule and bihira na talaga makumpleto dahil most of them ay graduating, di naman naming nakakalimutang kamustahin at iupdate ang isa’t isa. :)
 
my bhe's: ABI a nd JEZZA



Sila ang aking mga BHE. :) Member din sila ng TOTS pero nagkaroon lang kami ng tawagan na BHE dahil kay ABI. Dahil sa pagalangan niya. Minsan kasi pagtinatawag siya, bi na lang nadidinig. Eh parang para sa magjowa naman ang dating kaya ginawang BHE tapos yun na din yung tinawag niya samin ni Jezza. Madami kaming kabaliwan. Wala kaming dull moments dahil puro tawa lang kami pagmagkakasama. :)
my bez's: MC and MONIC



Sila naman ang aking mga BEZ. :) Bestfriends ko sila. Nameet ko sila sa church. Marami kaming similarities kaya nagkasundo-sundo kami. Busy man sa mga buhay buhay, updated pa din kami sa mga happenings sa mga buhay namin. Ang maganda sa friendship namin, once na nakita naming mali na giganagawa or may di tama sa nagiging decision ng bawat isa sa amin, sinusuway naming at pinapa-alalahanan ang isat isa at para na din kaming magkakapatid. :)


my bez's: EURA and MAY



Sila naman ang aking mga BEZ. :) Bestfriends ko din sila na nameet ko sa school. Member din sila ng TOTS. Sabihin na nating sa lahat ng TOTS, silang dalawa yung naging pinaka super duper close ko and ganun din sila sakin. Super open talaga kami sa isa’t isa at madami kaming similarities talaga. Pare-pareho kami ng likes and dislikes kaya naman nagkakasundo kami ng todo. Wala din kaming secrets sa isa’t isa. :)

my mahal : ARCHIE



Siya naman ang MAHAL ko. :) Siya si Archie. Nakilala ko siya sa church 4 years ago. Kapatid niya si Mc yung BEZ ko. 3 years and 7 months na kaming  magkasama . 26 years old na xa pero sabi nila, hindi daw halata, hehe. Madalas kaming mag-away dahil sa pagiging mainitin ng ulo ng bawat isa, pero as time goes by, we are learning to accept our differences and imperfections. He’s a God-fearing man and thankful ako kasi pag nag-aaway kami, siya madalas ang nagpapakumbaba. Siguro kasi siya yung mas nakakatanda kaya siya yung mas nakakaintindi. At kahit mataba na ko, mahal niya  pa din ako though madalas niyang sinasabing magpapayat na ko dahil daw baka magkasakit ako sa puso. :)
my family: MAMA and ATE



Sila naman ang FAMILY ko. Si MAMA at ATE. :) Mahal na mahal ko sila. Si Mama, kahit di niya ko tunay na anak dahil tita ko siya (kapatid siya ng papa ko), minahal niya ko na parang isang tunay na anak. Since my mother left me and my father died, siya na ang nag-alaga sakin. Si Ate, anak siya ni mama, pinsan ko siya, pero parang tunay na kapatid ang turing niya sakin. Simula ng magwork siya sa Singapore, siya na ang nagpa-aral sakin hanggang ngayon at hanggang makatapos ako. Despite of my shortcomings bilang isang anak and bilang isang kapatid, nandito pa din sila and ramdam na ramdam ko yung love nila sakin. I thank God for using them as an instrument for me to achieve kung anong meron at kung ano ako ngayon. :)






I LOVE THEM ALL!!!

I am eternally grateful for all the wonderful things God has given me and shown me not material things but life, family, friends, insight into my life, and the ability to love and be loved. The list is endless! He is truly the greatest and He is truly the way to all that is good!

 
TO GOD BE THE GLORY !!!